Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 1-5

“Umahon Tayo sa Bundok ni Jehova”

“Umahon Tayo sa Bundok ni Jehova”

2:2, 3

“Sa huling bahagi ng mga araw”

Ang panahong kinabubuhayan natin

“Ang bundok ng bahay ni Jehova”

Ang mataas na pamantayan ni Jehova ukol sa dalisay na pagsamba

“Doon ay huhugos ang lahat ng mga bansa”

Ang mga yumayakap sa dalisay na pagsamba ay nagtitipon nang may pagkakaisa

“Halikayo, at umahon tayo sa bundok ni Jehova”

Inaanyayahan ng mga tunay na mananamba ang iba na sumama sa kanila

“Tuturuan niya tayo tungkol sa kaniyang mga daan, at lalakad tayo sa kaniyang mga landas”

Sa pamamagitan ng kaniyang Salita, tinuturuan at tinutulungan tayo ni Jehova na lumakad sa kaniyang landas

2:4

“Ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma”

Inilarawan ni Isaias na ang mga sandatang pandigma ay gagawing mga kagamitan sa pagsasaka. Nangangahulugan ito na itataguyod ng bayan ni Jehova ang kapayapaan. Ano ang mga kagamitang ito noong panahon ni Isaias?

“Tabak upang maging mga sudsod”

1 Ang sudsod ay bahagi ng araro na ginagamit para gawing buhaghag ang ibabaw ng lupa. May mga sudsod na gawa sa metal.—1Sa 13:20

“Sibat upang maging mga karit na pampungos”

2 Ang karit na pampungos ay isang kasangkapang malamang na binubuo ng matalas at hugis- kutsilyong talim na may hawakan anupat maaaring kahawig ng karaniwang karit. Ginagamit ito na pampungos ng punong ubas.—Isa 18:5