Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pag-abot sa Puso Gamit ang Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

Pag-abot sa Puso Gamit ang Manatili sa Pag-ibig ng Diyos

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Para maging katanggap-tanggap ang pagsamba kay Jehova, dapat na matutuhan ng mga tao ang kaniyang mga pamantayan at sundin ang mga ito. (Isa 2:3, 4) Ang aklat na Pag-ibig ng Diyos, ang ikalawang publikasyong ginagamit natin sa pag-aaral, ay tumutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano ikakapit sa pang-araw-araw na pamumuhay ang mga simulain ng Bibliya. (Heb 5:14) Dapat nating sikaping abutin ang kanilang puso para maudyukan silang gumawa ng mga pagbabago.—Ro 6:17.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Maghandang mabuti, anupat iniisip ang kalagayan at kakayahan ng iyong estudyante. Magbangon ng mga tanong na tutulong para masabi niya kung ano ang nasa puso’t isip niya may kaugnayan sa pinag-aaralan ninyo.—Kaw 20:5; be 259

  • Gamitin ang mga kahon sa aklat para matulungan ang iyong estudyante na mapahalagahan ang mga simulain sa Bibliya

  • Kung tungkol sa personal na pagpapasiya, tulungan siyang makagawa ng tamang desisyon, pero huwag kang magpapasiya para sa kaniya.—Gal 6:5

  • Sa mataktikang paraan, alamin kung kailangan ng estudyante mong ikapit ang isang partikular na simulain sa Bibliya. Himukin siyang magbago udyok ng kaniyang pag-ibig kay Jehova.—Kaw 27:11; Ju 14:31