PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Tulungan ang mga “Wastong Nakaayon” na Maging mga Alagad
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Si Jehova ang nagpapalago ng binhi ng katotohanan sa puso ng mga “wastong nakaayon ukol sa buhay na walang hanggan.” (Gaw 13:48; 1Co 3:7) Nakikipagtulungan tayo sa kaniya kapag nagpopokus tayo sa mga taong kumikilos ayon sa kanilang natututuhan. (1Co 9:26) Dapat maunawaan ng mga Bible study na kailangan ang bautismong Kristiyano para maligtas. (1Pe 3:21) Kung tuturuan natin sila na gumawa ng mga pagbabago sa buhay, mangaral at magturo, at ialay ang kanilang buhay kay Jehova, matutulungan natin sila na maging alagad.—Mat 28:19, 20.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
Ipaalaala sa mga Bible study na kaya sila ‘kumukuha ng kaalaman’ tungkol kay Jehova ay para makilala siya at mapalugdan siya.—Ju 17:3
-
Tulungan silang mapagtagumpayan ang mga hadlang gaya ng bisyo at masasamang kasama para sumulong sila sa espirituwal
-
Palakasin at patibayin sila bago at pagkatapos silang mabautismuhan.—Gaw 14:22
PANOORIN ANG VIDEO NA TUTULUNGAN KA NG DIYOS NA JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano ang maaaring pumipigil sa isa na mag-alay at magpabautismo?
-
Paano matutulungan ng mga elder ang mga Bible study na sumulong sa espirituwal?
-
Ano ang itinuturo sa atin ng Isaias 41:10 tungkol kay Jehova?
-
Kahit hindi tayo sakdal, anong mga katangian ang tutulong para maging katanggap-tanggap kay Jehova ang paglilingkod natin?