Disyembre 31, 2018–Enero 6, 2019
GAWA 19-20
Awit 103 at Panalangin
Pambungad na Komento (3 min. o mas maikli)
KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
“Bigyang-Pansin ang Inyong Sarili at ang Buong Kawan”: (10 min.)
Gaw 20:28—Pinapastulan ng mga elder ang kongregasyon (w11 6/15 20-21 ¶5)
Gaw 20:31—Nagbibigay ang mga elder ng tulong “gabi at araw” kung kinakailangan (w13 1/15 31 ¶15)
Gaw 20:35—Kailangang maging mapagsakripisyo ang mga elder (bt 172 ¶20)
Paghuhukay ng Espirituwal na Hiyas: (8 min.)
Gaw 19:9—Paano naging halimbawa si Pablo pagdating sa kasipagan at pakikibagay? (bt 161 ¶11)
Gaw 19:19—Paano nagpakita ang mga taga-Efeso ng halimbawang karapat-dapat tularan? (bt 162-163 ¶15)
Ano ang natutuhan mo tungkol kay Jehova mula sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Ano pang espirituwal na hiyas ang natuklasan mo sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito?
Pagbabasa ng Bibliya: (4 min. o mas maikli) Gaw 19:1-20
MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO
Ikalawang Pagdalaw-Muli: (3 min. o mas maikli) Magsimula gamit ang sampol na pakikipag-usap. Bigyan ang may-bahay ng JW.ORG contact card.
Ikatlong Pagdalaw-Muli: (3 min. o mas maikli) Pumili ng gusto mong teksto at ng iiwang tanong.
Pag-aaral sa Bibliya: (6 min. o mas maikli) jl aralin 15
PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Sanayin ang mga Kabataang Umaabot ng Pribilehiyo: (15 min.) Pagtalakay. I-play ang video. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na mga tanong: Anong mahalagang papel ang ginagampanan ng mga elder sa kongregasyon? (Gaw 20:28) Bakit dapat patuloy na magsanay ng iba ang mga elder? Paano matutularan ng mga elder ang halimbawa ni Jesus sa pagsasanay sa kaniyang mga apostol? Anong saloobin ang dapat ipakita ng mga brother na sinasanay? (Gaw 20:35; 1Ti 3:1) Anong praktikal na pagsasanay ang puwedeng ibigay sa kanila ng mga elder? Anong balanseng pananaw ang dapat ipakita ng mga elder sa mga sinasanay nila?
Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya: (30 min.) jy kab. 48
Repaso at mga Aabangan sa Susunod na Linggo (3 min.)
Awit 118 at Panalangin