Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Ibagay ang Iyong Presentasyon

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Ibagay ang Iyong Presentasyon

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA: Iniimbitahan ng mga pinahiran at ng ibang tupa ang lahat ng uri ng tao na kumuha ng “tubig ng buhay na walang bayad.” (Apo 22:17) Sumasagisag ang tubig na ito sa lahat ng probisyon ni Jehova para iligtas ang masunuring mga tao mula sa kasalanan at kamatayan. Para matulungan ang lahat ng tao, anuman ang kanilang kaugalian at paniniwala, kailangan nating sabihin sa kanila ang “walang-hanggang mabuting balita” sa paraang magiging interesado sila.—Apo 14:6.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Pumili ng paksa at teksto na aantig sa puso ng mga tao sa inyong teritoryo. Puwede kang pumili ng sampol na pakikipag-usap o presentasyon na nakita mong epektibo. Sa anong mga paksa at teksto interesado ang mga tao? Mayroon bang balita na pinag-uusapan ng marami? Anong paksa ang gustong pag-usapan ng lalaki o ng babae?

  • Isama sa inyong pag-uusap ang mga pagbati at kaugalian na karaniwan sa inyong lugar.—2Co 6:3, 4

  • Maging pamilyar sa mga publikasyon at video na nasa ating Toolbox sa Pagtuturo para maiharap mo ito sa mga interesado

  • Mag-download ng mga publikasyon at video sa wika ng mga taong puwede mong matagpuan sa inyong teritoryo

  • Ibagay ang iyong paksa sa pangangailangan ng may-bahay. (1Co 9:19-23) Halimbawa, ano ang sasabihin mo kapag nalaman mong namatayan ang kausap mo?

PANOORIN ANG VIDEO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Anong paksa ang gustong ipakipag-usap ng mamamahayag sa may-bahay?

  • Ano ang nangyari sa may-bahay?

  • Alin sa mga teksto ang pinakamagandang gamitin, at bakit?

  • Paano mo ibabagay ang iyong presentasyon para makuha ang interes ng mga tao sa inyong teritoryo?