PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Nilulon ng Lupa ang Ilog
Sa kasaysayan, may mga panahon na tinulungan ng gobyerno ng tao ang bayan ni Jehova. (Ezr 6:1-12; Es 8:10-13) Kahit sa ngayon, nakikita natin na nilululon ng “lupa”—mga elemento ng sistemang ito na mas makatuwiran—ang “ilog” ng pag-uusig ng “dragon,” si Satanas na Diyablo. (Apo 12:16) May mga pagkakataong pinapakilos ni Jehova, ang “Diyos na nagliligtas,” ang mga tagapamahalang tao para tulungan ang kaniyang bayan.—Aw 68:20; Kaw 21:1.
Pero paano kung ibilanggo ka dahil sa iyong pananampalataya? Magtiwalang babantayan ka ni Jehova. (Gen 39:21-23; Aw 105:17-20) Siguradong pagpapalain niya ang iyong katapatan, at mapapatibay mo ang mga kapatid sa buong mundo.—Fil 1:12-14; Apo 2:10.
PANOORIN ANG VIDEO NA PINALAYA MULA SA BILANGGUAN ANG MGA KAPATID SA KOREA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit nakulong ang libo-libong brother sa South Korea sa nakalipas na mga taon?
-
Anong desisyon ng korte ang naging dahilan ng maagang paglaya ng ilan sa mga brother?
-
Paano natin matutulungan ang ating mga kapatid sa buong mundo na nakabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya?
-
Paano natin sasamantalahin ang kalayaang mayroon tayo ngayon?
-
Sino talaga ang dahilan ng lahat ng ating tagumpay sa korte?