PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Paglalatag ng Pundasyon Para sa Pagdalaw-Muli
KUNG BAKIT ITO MAHALAGA:
Gusto nating diligin ang binhi ng katotohanan na itinanim natin. (1Co 3:6) Kapag may nakausap tayo na nagpakita ng interes, magandang mag-iwan ng tanong na puwede nating pag-usapan sa susunod nating pagdalaw. Tutulong ito para manabik ang may-bahay at pinadadali nito ang paghahanda natin sa pagdalaw-muli. Sa pagbalik natin, puwede nating sabihin na bumalik tayo para sagutin ang tanong na iniwan natin.
KUNG PAANO ITO GAGAWIN:
-
Kapag naghahanda ka ng iyong presentasyon sa bahay-bahay, maghanda rin ng tanong na sasagutin mo sa susunod na pagdalaw. Ang tanong na ito ay puwedeng sinasagot ng literaturang iaalok mo o isang tanong na sinasagot sa isa sa mga publikasyong ginagamit natin sa pagtuturo na plano mong ipakita pagbalik mo.
-
Bago magpaalam sa isa na nagpakita ng interes, sabihing gusto mo siyang makausap muli at saka iwan ang inihanda mong tanong. Kung posible, humingi ng impormasyon kung paano mo siya makokontak.
-
Kapag nagsabi ka sa may-bahay ng espesipikong oras kung kailan ka babalik, tuparin iyon.—Mat 5:37.