PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Pribilehiyo Nating Magtayo at Magmantini ng mga Dako ng Tunay na Pagsamba
Matrabaho at magastos ang pagtatayo ng templo sa Israel. Pero puspusan itong sinuportahan ng mga Israelita. (1Cr 29:2-9; 2Cr 6:7, 8) Nang matapos ang templo, ang pagmamantini na ginawa ng mga Israelita ay nagpapakita ng kanilang espirituwalidad o ng kawalan nito. (2Ha 22:3-6; 2Cr 28:24; 29:3) Sa ngayon, malaking panahon at pagsisikap ang ibinibigay ng mga Kristiyano sa pagtatayo, paglilinis, at pagmamantini ng mga Kingdom Hall at Assembly Hall. Pero ang ganitong pakikipagtulungan kay Jehova ay isa ngang pribilehiyo at bahagi ng ating sagradong paglilingkod.—Aw 127:1; Apo 7:15.
ANG PUWEDE NATING MAITULONG:
-
Maglinis pagkatapos ng bawat pulong. Kung wala ka sa kalagayang gawin iyon, maaari mong pulutin ang kalat sa palibot ng iyong upuan.
-
Makibahagi sa nakaiskedyul na paglilinis at pagmamantini ng Kingdom Hall. Nagiging magaan at masaya ang trabaho kapag marami ang nakikibahagi.—lv 92-93 ¶18.
-
Magbigay ng kontribusyon. Kahit ang ‘dalawang barya na may napakaliit na halaga’ ay makalulugod kay Jehova kung mula ito sa puso.—Mar 12:41-44.
-
Magboluntaryo sa pagtatayo at pagre-renovate ng mga teokratikong pasilidad kung nasa kalagayan ka. Puwedeng makibahagi kahit walang karanasan sa konstruksiyon.