PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
“O Jehova, . . . sa Iyo Ako Naglalagak ng Aking Tiwala”
Napakahalagang magtiwala kay Jehova, maganda man o hindi ang kalagayan natin. (Aw 25:1, 2) Noong ikawalong siglo B.C.E., ang mga Judio sa Juda ay napaharap sa isang hamon na sumubok sa kanilang pagtitiwala sa Diyos. Marami tayong matututuhan sa pangyayaring ito. (Ro 15:4) Pagkatapos panoorin ang video na “O Jehova, . . . sa Iyo Ako Naglalagak ng Aking Tiwala,” sagutin ang sumusunod na mga tanong:
-
Anong hamon ang napaharap kay Hezekias?
-
Paano ikinapit ni Hezekias ang simulain sa Kawikaan 22:3 nang patiuna siyang maghanda para sa posibleng pagkubkob?
-
Bakit hindi man lang inisip ni Hezekias na sumuko sa Asirya o makipag-alyansa sa Ehipto?
-
Bakit magandang halimbawa si Hezekias para sa mga Kristiyano?
-
Sa anong mga sitwasyon sa ngayon nasusubok ang ating pagtitiwala kay Jehova?