Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | ISAIAS 34-37

Pinagpala si Hezekias Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Pinagpala si Hezekias Dahil sa Kaniyang Pananampalataya

Isinugo ni Senakerib, hari ng Asirya, si Rabsases sa Jerusalem para piliting isuko ng mga Judio ang kanilang lunsod. Kung ano-ano ang sinabi ng mga Asiryano para hindi na lumaban ang mga Judio.

  • Walang maaasahang tulong. Walang maitutulong sa inyo ang Ehipto.—Isa 36:6

  • Pag-aalinlangan. Hindi makikipaglaban si Jehova para sa inyo dahil wala na ang pagsang-ayon niya sa inyo.—Isa 36:7, 10

  • Pananakot. Hindi kayo magtatagumpay laban sa makapangyarihang hukbo ng mga Asiryano.—Isa 36:8, 9

  • Panghihikayat. Kung susuko kayo, magkakaroon kayo ng mas magandang buhay.—Isa 36:16, 17

Nagpakita si Hezekias ng matibay na pananampalataya kay Jehova

37:1, 2, 14-20, 36

  • Ginawa niya ang buong makakaya niya para maihanda ang lunsod sa pagkubkob

  • Nanalangin siya kay Jehova na iligtas sila at hinimok niya ang bayan na gawin din iyon

  • Pinagpala ang pananampalataya niya nang isugo ni Jehova ang isang anghel para patayin ang 185,000 kawal na Asiryano sa loob lang ng isang gabi