PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ipanalangin ang mga Pinag-uusig na Kristiyano
Inihula ng Bibliya na pag-uusigin tayo ni Satanas sa pagtatangkang hadlangan ang ating ministeryo. (Ju 15:20; Apo 12:17) Paano natin matutulungan ang ating mga kapuwa Kristiyano na dumaranas ng pag-uusig sa ibang bansa? Maaari natin silang ipanalangin. “Ang pagsusumamo ng taong matuwid . . . ay may malakas na puwersa.”—San 5:16.
Ano ang ipananalangin natin? Hilingin natin kay Jehova na bigyan ang ating mga kapatid ng lakas ng loob at tulungan silang huwag matakot. (Isa 41:10-13) Maaari din nating ipanalangin na huwag hadlangan ng mga nasa awtoridad ang ating pangangaral, “upang makapagpatuloy tayong mamuhay ng isang payapa at tahimik na buhay.”—1Ti 2:1, 2.
Noong pag-usigin sina Pablo at Pedro, ipinanalangin sila ng mga Kristiyano noong unang siglo anupat binibigkas ang kanilang pangalan. (Gaw 12:5; Ro 15:30, 31) Sa ngayon, kahit hindi natin alam ang pangalan ng mga kapatid natin na pinag-uusig, puwede nating banggitin ang kanilang kongregasyon, bansa, o rehiyon.