Sampol na Presentasyon
ANG BANTAYAN
Tanong: Iniisip ng ilan na lipas na ang Bibliya. Naniniwala naman ang iba na mahalaga pa rin ito. Ano sa palagay mo?
Teksto: 2Ti 3:16, 17
Alok: Itinatampok sa isyung ito ng Bantayan ang ilang praktikal na karunungan mula sa Bibliya at ilang mungkahi kung paano magiging mas kasiya-siya ang pagbabasa mo ng Bibliya.
ITURO ANG KATOTOHANAN
SAAN NAGMULA ANG BUHAY?
Tanong: Alin kaya ang mas makatuwirang paniwalaan, nagmula sa Diyos ang buhay o basta na lang ito lumitaw?
Alok: Ipinakikita ng brosyur na ito ang mga ebidensiyang nakatulong sa marami para maniwala na may matalinong Maylalang. Gusto ko sanang bumalik para pag-usapan ang tanong sa pahina 29: “Mahalaga ba kung ano ang pinaniniwalaan mo?”
GUMAWA NG SARILING PRESENTASYON
Gamitin ang format ng naunang mga halimbawa para gumawa ng sariling presentasyon sa paglilingkod sa larangan.