PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Huwag Nang Mag-alala
Sa Sermon sa Bundok, sinabi ni Jesus: “Huwag na kayong mabalisa tungkol sa inyong mga kaluluwa.” (Mat 6:25) Normal lang na mabalisa paminsan-minsan ang di-sakdal na mga taong nabubuhay sa sanlibutang ito ni Satanas, pero itinuro ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod na iwasan ang sobrang pagkabalisa. (Aw 13:2) Bakit? Dahil ang di-kinakailangang pagkabalisa, kahit sa ating pang-araw-araw na pangangailangan, ay makagagambala sa atin na unahin muna ang Kaharian. (Mat 6:33) Ang sumunod na sinabi ni Jesus ay tutulong sa atin na huwag nang masyadong mag-alala.
-
Mat 6:26—Ano ang matututuhan natin sa pagmamasid sa mga ibon? (w16.07 9-10 ¶11-13)
-
Mat 6:27—Bakit ang di-kinakailangang pag-aalala ay pagsasayang ng oras at lakas? (w05 11/1 22 ¶5)
-
Mat 6:28-30—Ano ang matututuhan natin sa mga liryo sa parang? (w16.07 10-11 ¶15-16)
-
Mat 6:31, 32—Paano naiiba ang mga Kristiyano sa mga tao ng mga bansa? (w16.07 11 ¶17)
Anong mga bagay ang hindi ko na dapat ipag-alala?