Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | MATEO 10-11

Naglaan si Jesus ng Kaginhawahan

Naglaan si Jesus ng Kaginhawahan

11:28-30

“Ang aking pamatok ay may-kabaitan”

Bilang karpintero, alam ni Jesus kung paano gumawa ng pamatok, marahil binabalutan ito ng tela o katad para mas komportable itong gamitin. Noong magpabautismo tayo, tinanggap natin ang pamatok ni Jesus o ang pagiging alagad niya, isang mahirap na gawain at pananagutan. Pero nakagiginhawa ito at nagdudulot ng maraming pagpapala.

Anong mga pagpapala ang tinanggap mo mula nang dalhin mo ang pamatok ni Jesus?