Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Makipagpayapaan Ka Muna sa Iyong Kapatid—Paano?

Makipagpayapaan Ka Muna sa Iyong Kapatid—Paano?

Isipin mong nakatira ka sa Galilea noong panahon ni Jesus. Naglakbay ka papuntang Jerusalem para ipagdiwang ang Kapistahan ng mga Kubol. Dumaragsa sa lunsod ang mga mananamba mula sa malalayong lugar. Gusto mong maghandog kay Jehova. Habang hatak-hatak ang isang kambing, sinimulan mo ang iyong paglalakbay sa mataong kalye ng lunsod patungong templo. Pagdating mo sa templo, napakarami ring gustong maghandog. Sa wakas, iaabot mo na sa saserdote ang hain mong kambing. Pero bigla mong naalala na may laban sa iyo ang isang kapatid na maaaring isa sa mga pulutong na nasa templo o nasa lunsod. Ipinaliwanag ni Jesus kung ano ang dapat mong gawin. (Basahin ang Mateo 5:24.) Paano ninyo itataguyod ang kapayapaan gaya ng iniutos ni Jesus? Sa bawat listahan sa ibaba, lagyan ng check ang tamang sagot.

DAPAT MO . . .

  • lang kausapin ang iyong kapatid kung sa tingin mo ay may makatuwiran siyang dahilan para sumamâ ang loob niya sa iyo

  • siyang ituwid kung sa tingin mo ay masyado siyang sensitibo o sinisisi ka niya

  • siyang matiyagang pakinggan habang sinasabi niya ang niloloob niya, at kahit hindi mo siya lubusang naiintindihan, taos-pusong humingi ng tawad dahil nasaktan siya o dahil sa di-sinasadyang epekto ng mga nagawa mo

DAPAT NIYANG . . .

  • ikuwento sa iba ang nagawa mong pagkakamali sa kaniya para makahanap ng kakampi sa loob ng kongregasyon

  • pagsabihan ka, ungkatin ang detalye ng pagkakamali mo, at pilitin kang umamin na may kasalanan ka

  • tanggaping nagpakumbaba ka at lakas-loob na kinausap siya, at magpatawad mula sa puso

Hindi na bahagi ng ating pagsamba ngayon ang paghahandog ng mga haing hayop. Pero ano ang itinuturo ni Jesus tungkol sa kaugnayan ng pakikipagpayapaan natin sa ating mga kapatid at ng katanggap-tanggap na pagsamba sa Diyos?