PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ingatan ang Inyong Pagsasama Bilang Mag-asawa
Napakaseryosong bagay kay Jehova ang pag-aasawa. Sinabi niyang hindi dapat maghiwalay ang mag-asawa. (Mat 19:5, 6) Maraming huwarang mag-asawa sa bayan ng Diyos. Pero walang perpektong pag-aasawa. Nagkakaproblema din sila. Huwag nating tularan ang kaisipan ng marami na ang paghihiwalay at diborsiyo ang solusyon kapag nagkaproblema ang mag-asawa. Paano iingatan ng Kristiyanong mag-asawa ang pagsasama nila?
Tingnan ang limang mahahalagang paraan.
-
Ingatan ang puso—iwasan ang mga bagay na nakakasira sa pagsasama ng mag-asawa, gaya ng pakikipag-flirt at imoral na libangan.—Mat 5:28; 2Pe 2:14.
-
Patibayin ang pakikipagkaibigan sa Diyos, at pasidhiin ang kagustuhang mapasaya siya sa inyong pagsasama bilang mag-asawa.—Aw 97:10.
-
Patuloy na isuot ang bagong personalidad, at magpakita ng kabaitan, kahit sa maliliit na bagay, na magpapasaya sa iyong asawa.—Col 3:8-10, 12-14.
-
Laging makipag-usap sa magalang na paraan.—Col 4:6.
-
Buong pagmamahal na ibigay ang seksuwal na pangangailangan ng isa’t isa.—1Co 7:3, 4; 10:24.
Kapag binibigyang-dangal ng mga Kristiyano ang pag-aasawa, binibigyang-dangal din nila ang Tagapagpasimula nito, si Jehova.
PANOORIN ANG VIDEO NA DAPAT TAYONG ‘TUMAKBO NANG MAY PAGBABATA’—SUNDIN ANG MGA TUNTUNIN NG PALIGSAHAN. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Kahit maganda ang simula ng pag-aasawa, anong mga problema ang puwedeng mapaharap sa kanila?
-
Paano makakatulong ang mga simulain sa Bibliya sa mga mag-asawang hindi magkasundo?
-
Anong mga utos ang ibinigay ni Jehova para sa pag-aasawa?
-
Para maging matagumpay ang pag-aasawa, ano ang dapat gawin ng mag-asawa?