PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Taunang Kombensiyon—Pagkakataon Para Magpakita ng Pag-ibig
Bakit nag-e-enjoy tayo sa mga taunang kombensiyon natin? Gaya sa Israel noon, ang mga kombensiyon ngayon ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong sambahin si Jehova kasama ang daan-daan o libo-libong kapatid. Tumatanggap tayo doon ng saganang espirituwal na pagkain. Mahalaga rin sa atin na makasama ang ating mga kaibigan at kapamilya. Kaya gustong-gusto nating madaluhan ang buong tatlong-araw na kombensiyon.
Kapag nagkakasama-sama tayo, dapat nating isipin hindi lang ang magiging pakinabang natin kundi pati na kung paano tayo makakapagpakita ng pag-ibig. (Gal 6:10; Heb 10:24, 25) Kapag ipinagbubukas natin ng pinto ang ating mga kapatid o hindi tayo nagrereserba ng upuan nang sobra sa kailangan natin, ipinapakita nating iniisip natin ang kapakanan ng iba. (Fil 2:3, 4) Magandang pagkakataon din ang mga kombensiyon para magkaroon ng bagong mga kaibigan. Bago at pagkatapos ng programa at kapag lunch break, sinisikap nating makipagkilala sa iba. (2Co 6:13) At kapag naging kaibigan natin sila, puwede itong maging panghabambuhay! Higit sa lahat, kapag nakikita ng iba kung paano tayo nagpapakita ng tunay na pag-ibig, baka gustuhin din nilang paglingkuran si Jehova.—Ju 13:35.
PANOORIN ANG VIDEO NA “ANG PAG-IBIG AY HINDI KAILANMAN NABIBIGO”! NA MGA INTERNASYONAL NA KOMBENSIYON. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano pinakitaan ng pag-ibig ang mga delegado ng 2019 na mga internasyonal na kombensiyon?
-
Bakit kahanga-hanga ang pagkakaisa at pag-ibig sa bayan ni Jehova?
-
Anong mga bagay tungkol sa Kristiyanong pag-ibig ang idiniin ng mga miyembro ng Lupong Tagapamahala?
-
Paano nagtagumpay ang Kristiyanong pag-ibig sa Germany at South Korea?
-
Ano ang dapat na maging determinasyon natin?