PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Paglaya sa Hinaharap—Salamat sa Diyos at kay Kristo
Ano ang mga pinoproblema mo sa araw-araw? Isa ka bang tatay na maraming responsibilidad? Isa ka bang single parent na nahihirapang makaraos sa buhay? Isa ka bang estudyante na binu-bully sa school? May sakit ka ba o nagkakaedad na? Lahat tayo ay may pinagdadaanan. Maraming kapatid ang may patong-patong na problema. Pero alam nating hindi na magtatagal, makakalaya rin tayo sa mga problemang ito.—2Co 4:16-18.
Pansamantala, nakakagaan ng loob malaman na naiintindihan ni Jehova ang paghihirap natin. Nakikita niya ang katapatan natin at pagtitiis, at gagantimpalaan niya tayo sa hinaharap. (Jer 29:11, 12) Nagmamalasakit din si Jesus sa atin. Habang ginagawa natin ang mga dapat nating gawin bilang Kristiyano, tinitiyak niya sa atin: “Makakasama ninyo ako.” (Mat 28:20) Kapag pinag-iisipan natin ang ating paglaya sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, tumitibay ang pag-asa natin at determinasyong tiisin ang mga problemang dumarating.—Ro 8:19-21.
PANOORIN ANG VIDEO NA HABANG PAPALAPIT ANG BAGYO, MANATILING NAKATUON KAY JESUS!—PAGPAPALA NG KAHARIAN SA HINAHARAP. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano naging hiwalay sa Diyos ang mga tao, at ano ang resulta nito?
-
Anong kinabukasan ang naghihintay sa mga tapat kay Jehova?
-
Paano magiging posible ang napakagandang kinabukasang ito?
-
Anong mga pagpapala sa ipinangakong bagong sanlibutan ang pinakainaabangan mo?