PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Mga Magulang, Turuan at Protektahan ang Inyong mga Anak
Iniimpluwensiyahan tayo ng sanlibutan na isiping ang mabuti ay masama at ang masama ay mabuti. (Isa 5:20) Nakakalungkot, ginagawa ng ilan ang kinapopootan ni Jehova, gaya ng homoseksuwalidad. Baka impluwensiyahan ng mga kaeskuwela o ng iba pa ang anak mo na tularan sila. Paano mo maihahanda ang mga anak mo para maharap ang mga sitwasyong gaya nito?
Ituro sa kanila ang mga pamantayan ni Jehova para maprotektahan sila. (Lev 18:3) Ibagay sa edad nila ang mga ituturo mo tungkol sa sinasabi ng Bibliya may kinalaman sa sex. (Deu 6:7) Tanungin ang sarili: ‘Naituro ko na ba sa mga anak ko ang tamang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal, ang kahalagahan ng mahinhing pananamit, at na dapat irespeto ng iba ang privacy nila? Alam ba ng mga anak ko kung ano ang gagawin kapag may nagpakita sa kanila ng pornograpya o may ipinapagawa sa kanila na isang bagay na ayaw ni Jehova?’ Makakaiwas sila sa kapahamakan kung patiuna natin silang tuturuan. (Kaw 27:12; Ec 7:12) Sa paggawa nito, ipinapakita mong pinapahalagahan mo ang iyong mana mula kay Jehova.—Aw 127:3.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAGTAYO NG ISANG SAMBAHAYANG MAKAPAGBABATA—INGATAN ANG IYONG MGA ANAK MULA SA MASAMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit nag-aalangan ang ilang magulang na turuan ang kanilang mga anak tungkol sa sex?
-
Bakit dapat sanayin ng mga magulang ang kanilang mga anak “sa disiplina at patnubay ni Jehova”?—Efe 6:4
-
Ano ang inilaan ng organisasyon ni Jehova para maturuan ng mga magulang ang mga anak nila tungkol sa sex?—w19.05 12, kahon
-
Bakit mo dapat laging kausapin ang iyong mga anak bago pa magkaroon ng mga problema?