PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Piliing Paglingkuran si Jehova
Kung isa kang di-bautisadong kabataan o Bible study, tunguhin mo bang magpabautismo? Bakit dapat mo itong gawin? Ang pag-aalay at bautismo ay pasimula ng pagkakaroon ng malapít na kaugnayan kay Jehova. (Aw 91:1) Nagliligtas din ang mga ito. (1Pe 3:21) Paano mo maaabót ang tunguhing ito?
Patunayan sa sarili na ito ang katotohanan. Kapag may mga tanong ka, mag-research. (Ro 12:2) Alamin ang mga dapat mong baguhin, at gawin ang mga pagbabagong iyon dahil gusto mong mapasaya si Jehova. (Kaw 27:11; Efe 4:23, 24) Laging humingi ng tulong sa kaniya. Makakaasa kang papalakasin ka at tutulungan ni Jehova sa pamamagitan ng kaniyang makapangyarihang banal na espiritu. (1Pe 5:10, 11) Sulit na sulit ang lahat ng pagsisikap mo. Wala nang pinakamagandang paraan ng pamumuhay kundi ang paglingkuran si Jehova!—Aw 16:11.
PANOORIN ANG VIDEO NA DAAN TUNGO SA BAUTISMO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Para mabautismuhan, anong mga hadlang ang napagtagumpayan ng ilan?
-
Paano ka magkakaroon ng pananampalatayang kailangan para maialay ang iyong sarili kay Jehova?
-
Ano ang nagpakilos sa ilan na abutín ang mga kuwalipikasyon para sa bautismo?
-
Anong mga pagpapala ang tinanggap ng mga pumiling paglingkuran si Jehova?
-
Ano ang kahulugan ng pag-aalay at bautismo?