KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Paglilingkod ng mga Levita
Kinuha ni Jehova ang mga Levita kapalit ng mga panganay na lalaki ng Israel (Bil 3:11-13; it-2 1099 ¶4)
May mahahalagang pribilehiyo ang mga Levita (Bil 3:25, 26, 31, 36, 37; it-2 204)
Ang mga Levita ay ganap na makapanunungkulan sa edad na 30 hanggang 50 (Bil 4:46-48; it-2 205)
Ang mga lalaki sa pamilya ni Aaron ang naglilingkod bilang saserdote. Tinutulungan sila ng ibang mga Levita. Sa kongregasyong Kristiyano din sa ngayon, may ilang responsableng brother na gumaganap ng mabibigat na atas, habang ang iba naman ay tumutulong sa mahahalagang rutin na gawain.