Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Inorganisa Para Mangaral sa Lahat

Inorganisa Para Mangaral sa Lahat

Kung paanong inorganisa ni Jehova ang mga Israelita noon, inoorganisa din niya ang bayan niya ngayon para gawin ang kalooban niya. Sa buong mundo, ang mga tanggapang pansangay, sirkito, kongregasyon, at grupo sa paglilingkod sa larangan ay nagtutulungan para maipangaral ang mabuting balita. Nangangaral tayo sa lahat, pati na sa mga nagsasalita ng ibang wika.​—Apo 14:6, 7.

Napag-isipan mo na bang mag-aral ng ibang wika para tulungan ang iba na malaman ang katotohanan? Kung wala kang panahong mag-aral ng ibang wika, puwede mong gamitin ang JW Language app para matuto ng simpleng presentasyon. Kapag ginamit mo ito sa ministeryo, posibleng madama mo rin ang kagalakang nadama ng unang-siglong mga kapatid nang makita nila ang pagkamangha ng mga tagaibang lupain dahil narinig ng mga ito sa sarili nilang wika ang “makapangyarihang mga gawa ng Diyos.”​—Gaw 2:7-11.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGING KAIBIGAN NI JEHOVA—MANGARAL SA MGA TAONG IBA ANG WIKA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Kailan mo puwedeng gamitin ang JW Language app?

  • Ano ang ilang feature nito?

  • Dapat marinig ng lahat ang mabuting balita, anuman ang wika nila

    Anong mga wika ang ginagamit ng mga tao sa inyong teritoryo?

  • Ano ang dapat mong gawin kapag iba ang wikang ginagamit ng isang interesado sa mensahe ng Kaharian?​—od 100-101 ¶39-41