PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Matuto sa Kanilang Halimbawa—Samuel
Nanatiling tapat si Samuel kay Jehova sa buong buhay niya. Noong bata pa siya, hindi niya tinularan ang masasamang anak ni Eli na sina Hopni at Pinehas. (1Sa 2:22-26) Si Samuel ay patuloy na lumaki, at si Jehova ay sumakaniya. (1Sa 3:19) At noong matanda na siya, patuloy pa rin siyang lumakad sa daan ni Jehova, kahit ang mga anak niya ay hindi.—1Sa 8:1-5.
Ano ang matututuhan natin sa halimbawa ni Samuel? Kung isa kang kabataan, magtiwala kang naiintindihan ni Jehova ang pinagdadaanan at nararamdaman mo. Tutulungan ka niyang maging matapang. (Isa 41:10, 13) Kung isa kang magulang at iniwan ng anak mo si Jehova, mapapatibay kang malaman na kahit si Samuel, hindi niya napilit ang mga adulto niyang anak na manatiling tapat kay Jehova. Ipinagkatiwala niya ang mga bagay-bagay sa Diyos, nanatiling tapat, at pinasaya ang Ama niya sa langit, si Jehova. Malay mo, ang maganda mong halimbawa ang magpakilos sa anak mo na manumbalik kay Jehova.
PANOORIN ANG VIDEO NA MATUTO SA KANILANG HALIMBAWA—SAMUEL. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Paano nagpakita ng tapang si Samuel noong bata pa siya?
-
Paano nagpakita ng tapang si Danny?
-
Paano nagpakita si Samuel ng magandang halimbawa bilang may-edad?
-
Paano nagpakita ng magandang halimbawa ang mga magulang ni Danny?