KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Sino ang Hari Mo?
Naging pangahas ang mga Israelita at humiling sila ng isang taong hari (1Sa 8:4, 5; it-1 1330 ¶1)
Hindi nakontento ang mga Israelita na si Jehova ang kanilang di-nakikitang Tagapamahala (1Sa 8:7, 8; w11 1/1 27 ¶1)
Binabalaan sila ni Jehova sa magiging mga resulta ng pagkakaroon nila ng taong hari (1Sa 8:9, 18; w10 1/15 30 ¶9)
Si Jehova ang may karapatang mamahala sa lahat ng nilalang niya. Mabait siyang tagapamahala at binibigyan niya ng dangal ang mga sakop niya. Kung susundin natin siya at susuportahan ang pamamahala niya, tatanggap tayo ng maraming pagpapala.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko maipapakita na nagpapasakop ako sa pamamahala ni Jehova?’