Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO

Tulungan ang mga Bible Study na Iwasan ang Masasamang Kasama

Tulungan ang mga Bible Study na Iwasan ang Masasamang Kasama

Para maging kaibigan ni Jehova, dapat pumili ng mabubuting kasama ang mga Bible study. (Aw 15:1, 4) Makakatulong ang mga ito sa kanila na gawin ang tama.​—Kaw 13:20; lff aralin 48.

Matutulungan mo ang mga Bible study mo na iwasan ang masasamang kasama kung ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayan nila. Baka mahirap para sa kanila na iwan ang mga kaibigan nila sa sanlibutan. Kaya kaibiganin mo sila hindi lang tuwing panahon ng pag-aaral ninyo. Puwede mo silang i-text, tawagan, o bisitahin. Habang sumusulong ang mga Bible study mo, puwede mo silang yayain para makasama nila ang mga kapatid. Tutulong iyon para makita nila na mas marami ang natanggap nila kaysa sa nawala sa kanila. (Mar 10:29, 30) Magiging masaya ka rin kapag nakikita mong lumalaki ang pamilya ni Jehova.

PANOORIN ANG VIDEO NA TULUNGAN ANG IYONG MGA BIBLE STUDY NA IWASAN ANG MASASAMANG KASAMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Sino ang masasamang kasama?​—1Co 15:33

  • Ano ang na-imagine ni Joy tungkol sa gathering ng mga kapatid sa kongregasyon?

  • Paano tinulungan ni Neeta si Joy na magkaroon ng mabubuting kasama?