Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Matibay na Pananampalataya sa Bibliya—Paano?

Matibay na Pananampalataya sa Bibliya—Paano?

Kayang baguhin ng Bibliya ang buhay natin. (Heb 4:12) Pero kailangang kumbinsido tayo na talagang “salita [ito] ng Diyos” para makinabang tayo sa patnubay at mga payo nito. (1Te 2:13) Ano ang puwede nating gawin para mapatibay ang pananampalataya natin sa Bibliya?

Magbasa ng Bibliya araw-araw. Habang nagbabasa, maghanap ng ebidensiyang si Jehova ang Awtor nito. Halimbawa, pag-isipan ang mga payong mababasa sa aklat ng Kawikaan. Makikita mong totoo pa rin ang mga ito hanggang ngayon.​—Kaw 13:20; 14:30.

Gumawa ng study project. Pag-aralang mabuti ang ebidensiyang galing sa Diyos ang Bibliya. Sa Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova, tingnan ang “Bibliya” at pagkatapos, “Kinasihan ng Diyos.” Titibay rin ang tiwala mong hindi nagbago ang mensahe ng Bibliya kung pag-aaralan mo ang Apendise A3 ng Bagong Sanlibutang Salin.

PANOORIN ANG VIDEO NA KUNG BAKIT NANANAMPALATAYA TAYO SA . . . SALITA NG DIYOS. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano napatunayang totoo ang Bibliya dahil sa natuklasang pader ng templo sa Karnak, Egypt?

  • Paano natin nalamang hindi nagbago ang mensahe ng Bibliya?

  • Dahil may Bibliya pa rin hanggang ngayon, paano nito pinatutunayang galing ito sa Diyos?​—Basahin ang Isaias 40:8