PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Maghanda Na Ngayon Para sa Medical Emergency
Bakit? Kasi puwede itong mangyari nang biglaan. Kaya ngayon pa lang, paghandaan na ang mga dapat gawin para maalagaan kang mabuti kapag may medical emergency. Kapag naghahanda ka, ipinapakita mong may paggalang ka sa buhay at sa batas ni Jehova tungkol sa dugo.—Gaw 15:28, 29.
Ano-ano ang paghahandaan mo?
-
Manalangin muna bago i-fill out ang card na Durable Power of Attorney for Health Care (DPA). a Ang mga bautisadong mamamahayag ay makakakuha nito at ng Identity Card (ic) para sa kanilang menor-de-edad na mga anak, mula sa literature servant ng kongregasyon nila
-
Kung nagdadalang-tao ka, humingi sa mga elder ninyo ng form na Impormasyon Para sa mga Nagdadalang-tao (S-401). Makakatulong ito para makapagdesisyon ka nang tama kung magkaroon man ng emergency sa iyong pagdadalang-tao at panganganak
-
Kung may procedure na gagawin sa iyo at kakailanganin ng dugo, o kung maospital ka, ipaalám agad ito sa mga elder ninyo. Ipaalám din sa ospital na may dadalaw sa iyo na isang ministro ng mga Saksi ni Jehova
Paano makakatulong ang mga elder? Makakatulong sila sa pag-fill out mo ng DPA card. Pero hindi sila ang magdedesisyon para sa iyo. Hindi rin sila magsasabi ng sarili nilang opinyon tungkol sa sitwasyon mo. (Ro 14:12; Gal 6:5) Kapag ipinaalám mo sa mga elder ninyo na baka magkaroon ng isyu tungkol sa dugo sa pagpapagamot mo, kokontakin agad nila ang Hospital Liaison Committee (HLC).
Paano makakatulong ang HLC? Ang mga kapatid sa HLC ang nagpapaliwanag sa mga doktor at abogado tungkol sa paninindigan natin may kinalaman sa dugo. Puwede nilang ipaliwanag sa doktor mo ang mga paraan ng paggamot na hindi mangangailangan ng pagsasalin ng dugo. Kung kailangan, puwede ka nilang tulungang humanap ng doktor na gagalang sa desisyon mo.
PANOORIN ANG VIDEO NA PAANO KA MAGDEDESISYON TUNGKOL SA PAGPAPAGAMOT NA MAY KAUGNAYAN SA DUGO? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA TANONG:
-
Ano’ng natutuhan mo sa videong ito na makakatulong sa iyo na maging handa sa isang medical emergency may kaugnayan sa dugo?
a Makakatulong sa iyo ang aralin 39 ng aklat na Masayang Buhay Magpakailanman para makagawa ng mga desisyong may kaugnayan sa dugo.