PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Tinutulungan Tayo ni Jehova sa Panahon ng Pagsubok
Sa mga huling araw na ito, nakakaranas tayo ng maraming problema. Baka minsan pakiramdam natin, hindi na natin kaya. Pero kung mananatili tayong malapít kay Jehova, tutulungan niya tayong makayanan kahit ang pinakamahihirap na pagsubok. (Isa 43:2, 4) Paano natin magagawa iyan?
Panalangin. Kapag sinasabi natin kay Jehova ang lahat ng nararamdaman natin, binibigyan niya tayo ng kapanatagan at lakas.—Fil 4:6, 7; 1Te 5:17.
Pulong. Mas kailangan natin ngayon ng pampatibay mula sa Salita ng Diyos at sa mga kapatid na nakukuha natin sa mga pulong. (Heb 10:24, 25) Kapag naghahanda, dumadalo, at nagkokomento sa mga pulong, nakakatanggap tayo ng banal na espiritu ni Jehova.—Apo 2:29.
Pangangaral. Mas makakapagpokus tayo sa nakakapagpatibay na mga bagay kapag lagi tayong nakikibahagi sa ministeryo. Bukod diyan, titibay rin ang kaugnayan natin sa ating mga kamanggagawa, lalo na kay Jehova.—1Co 3:5-10.
PANOORIN ANG VIDEO NA NAGING AMA KO SI JEHOVA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Ano’ng nakatulong kay Malu na manatiling malapít kay Jehova noong may problema ang pamilya nila?
-
Gaya ng naramdaman ni Malu, paano tayo napapatibay ng Awit 34:18 kapag may mga hamon sa buhay?
-
Paano natin nakita sa karanasan ni Malu na nagbibigay si Jehova ng “lakas na higit sa karaniwan” kapag dumaranas tayo ng mga problema?—2Co 4:7