Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Enero 15-21

JOB 36-37

Enero 15-21

Awit Blg. 147 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Kung Bakit Makakapagtiwala Ka sa Pangako ng Diyos na Buhay na Walang Hanggan

(10 min.)

Si Jehova mismo ay nabubuhay nang walang hanggan (Job 36:26; w15 10/1 13 ¶1-2)

May karunungan at kapangyarihan si Jehova na tustusan ang buhay (Job 36:​27, 28; w20.05 22 ¶6)

Itinuturo ni Jehova kung paano tayo magkakaroon ng buhay na walang hanggan (Job 36:​4, 22; Ju 17:3)


Kapag matibay ang pananampalataya natin sa pangako ng Diyos na buhay na walang hanggan, makakayanan natin ang mga problema.​—Heb 6:19; w22.10 28 ¶16.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Job 37:20—Paano karaniwang inihahatid ang mga balita at impormasyon noong panahon ng Bibliya? (it-2 763)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) PAMPUBLIKONG PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 3: #3)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. (lmd aralin 2: #5)

6. Ipaliwanag ang Paniniwala Mo

(5 min.) Pahayag. ijwfq 57 ¶5-15—Tema: Bakit Pinag-usig ang mga Saksi ni Jehova Noong Holocaust? (th aralin 18)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 49

7. Maging Handa sa mga Sitwasyong Mangangailangan ng Paggamot o Pag-oopera

(15 min.) Pagtalakay. Bahagi ng isang elder.

Nagbigay ang organisasyon ni Jehova ng pantulong para masunod natin ang utos ng Diyos tungkol sa dugo. (Gaw 15:​28, 29) Ginagamit mo ba ang mga ito?

Durable Power of Attorney (DPA) Card at Identity Card (ic): Ipinapaliwanag sa mga card na ito ang kagustuhan ng pasyente pagdating sa paggamit ng dugo para sa paggamot. Makakakuha ang mga bautisadong mamamahayag ng DPA card mula sa literature servant, pati na ng Identity Card para sa menor-de-edad nilang mga anak. Dapat na lagi nating dala ang mga ito. Kung wala ka pa nito o kailangan mong i-update ang card mo, gawin ito agad.

Impormasyon Para sa mga Nagdadalang-tao (S-401) at Information for Patients Requiring Surgery or Chemotherapy (S-407): Makakatulong ang mga ito para makapaghanda tayong mabuti kapag kailangan nating magpagamot, pati na kung may bumangong isyu tungkol sa dugo. Humingi nito sa mga elder kung nagdadalang-tao ka, magpapaopera, o nagpapagamot ng cancer.

Hospital Liaison Committee (HLC): Ang mga miyembro ng HLC ay mga kuwalipikadong elder na sinanay para magbigay sa mga doktor at mamamahayag ng impormasyon may kinalaman sa dugo. Puwede nilang ipaliwanag sa doktor mo ang mga paraan ng paggamot na hindi mangangailangan ng pagsasalin ng dugo. Kung kailangan, puwede ka nilang tulungang humanap ng doktor na gagalang sa desisyon mo. Available ang HLC anumang araw at oras. Kontakin agad ang HLC kapag kailangan mong magpa-confine, magpaopera, o magpa-therapy—gaya ng sa cancer—kahit parang hindi naman magkakaisyu sa dugo. Ganito rin ang dapat gawin ng mga nagdadalang-tao. Kung kailangan mo ng tulong, tanungin ang isang elder kung paano makokontak ang HLC.

I-play ang VIDEO na Mga Hospital Liaison Committee—Paano Sila Makakatulong? Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

Paano makakatulong ang HLC kapag kailangan mong magpagamot o magpaopera?

8. Pag-aaral sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 67 at Panalangin