Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Enero 8-14

JOB 34-35

Enero 8-14

Awit Blg. 30 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Kapag Parang Hindi Makatarungan ang Buhay

(10 min.)

Tandaan na hindi si Jehova ang pinagmumulan ng kawalang-katarungan (Job 34:10; wp19.1 8 ¶2)

Parang hindi napaparusahan ang masasama, pero hindi sila makapagtatago mula kay Jehova (Job 34:​21-26; w17.04 10 ¶5)

Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang mga biktima ng kawalang-katarungan ay ang turuan sila tungkol kay Jehova (Job 35:​9, 10; Mat 28:​19, 20; w21.05 7 ¶19-20)

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Job 35:7—Ano ang ibig sabihin ni Elihu nang tanungin niya si Job: “Ano ang natatanggap [ng Diyos] mula sa iyo?” (w17.04 29 ¶3)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya. (lmd aralin 10: #3)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Ipakita sa kausap mong may maliliit pang anak kung paano maghahanap sa jw.org ng impormasyong makakatulong sa mga magulang. (lmd aralin 1: #4)

6. Paggawa ng mga Alagad

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 58

7. Gusto Mo Bang “Ipangaral . . . ang Salita ng Diyos” sa Di-pormal na Paraan?

(15 min.) Pagtalakay.

Sinabi ni Pablo kay Timoteo: “Ipangaral mo ang salita ng Diyos; gawin mo ito nang apurahan.” (2Ti 4:2) Ang pandiwang Griego na isinaling “gawin mo ito nang apurahan” ay ginagamit kung minsan sa militar para tumukoy sa isang sundalo o bantay na nasa puwesto niya at laging handa. Gaya ng sundalong iyon, gusto rin nating maging laging handang magpatotoo kapag nakikipag-usap tayo sa mga tao.

Ang pagmamahal kay Jehova at pagpapahalaga sa mga ginagawa niya para sa atin ang nagpapakilos sa atin na sabihin sa iba ang magaganda niyang katangian.

Basahin ang Awit 71:8. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

Anong magagandang bagay tungkol kay Jehova ang gusto mong sabihin sa iba?

Ang pagmamahal sa mga tao ay nagpapakilos din sa atin na magpatotoo nang di-pormal.

I-play ang VIDEO na Kung Paano Nasumpungan ng Marami ang Katotohanan sa Bibliya. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Paano nakatulong ang di-pormal na pagpapatotoo para masumpungan ng marami ang katotohanan sa Bibliya?

  • Paano nakinabang ang mga dating miyembro ng isang simbahan nang malaman nila ang katotohanan?

  • Paano tayo napapakilos ng pagmamahal sa mga tao na magpatotoo nang di-pormal?

  • Bakit kaya napakaepektibo ng di-pormal na pagpapatotoo para matulungan ang iba na makilala si Jehova?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 138 at Panalangin