Pebrero 19-25
AWIT 8-10
Awit Blg. 2 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. “Pupurihin Kita, O Jehova”!
(10 min.)
Napakabuti ni Jehova sa atin (Aw 8:3-6; w21.08 3 ¶6)
Kapag sinasabi natin sa iba ang mga kamangha-manghang gawa ni Jehova, napapapurihan natin siya (Aw 9:1; w20.05 23 ¶10)
Napapapurihan din natin siya kapag kumakanta tayo nang mula sa puso (Aw 9:2; w22.04 7 ¶13)
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko pa mapapapurihan si Jehova?’
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 10:1-18 (th aralin 11)
4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap
(3 min.) BAHAY-BAHAY. Sinabi sa iyo ng kausap mo na hindi siya naniniwala sa Diyos. (lmd aralin 5: #4)
5. Pagdalaw-Muli
(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Sa huli ninyong pag-uusap, sinabi ng kausap mo na hindi siya naniniwala sa Diyos, pero handa naman siyang makinig sa paliwanag mo na mayroong Maylalang. (th aralin 7)
6. Pahayag
(5 min.) w21.06 6-7 ¶15-18—Tema: Tulungan ang Bible Study Mo na Purihin si Jehova. (th aralin 10)
Awit Blg. 10
7. Kung Paano Magiging Natural sa Di-pormal na Pagpapatotoo
(10 min.) Pagtalakay.
Ang isang paraan para higit pa nating mapapurihan si Jehova ay kung magpapatotoo tayo sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw. (Aw 35:28) Sa umpisa, baka kabahan tayong magpatotoo nang di-pormal. Pero kung matututo tayong makipag-usap nang natural, magiging mas epektibo tayo at mae-enjoy natin iyon!
I-play ang VIDEO na Ipangaral ang “Mabuting Balita ng Kapayapaan”—Maunang Makipag-usap. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:
Ano ang natutuhan mo sa video na makakatulong sa iyo na maging mas epektibo sa di-pormal na pagpapatotoo?
Mga tip para makapagpasimula ng pakikipag-usap:
-
Tuwing lalabas ka ng bahay, maging alerto sa mga pagkakataong puwede kang makipag-usap. Ipanalangin kay Jehova na makahanap ka ng mga taong gustong makinig
-
Maging palakaibigan at ipakitang nagmamalasakit ka sa kausap mo. Kilalanin siya para malaman mo kung anong paksa sa Bibliya ang magugustuhan niya
-
Kung angkop, alamin kung paano ninyo makokontak ang isa’t isa
-
Huwag panghinaan ng loob kung natapos ang pag-uusap ninyo nang hindi ka nakapagpatotoo
-
Patuloy na pag-isipan ang sitwasyon ng nakausap mo. Padalhan siya ng link ng isang teksto sa Bibliya o ng isang artikulo sa jw.org
Subukan ito: Kapag may nagtanong sa iyo, ‘Kumusta ang weekend mo?,’ ikuwento sa kaniya ang natutuhan mo sa pulong o ang ginagawa mo para turuan ang iba tungkol sa Bibliya.
8. Lokal na Pangangailangan
(5 min.)
9. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 6 ¶1-8 at intro ng seksiyon 2