Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pebrero 26–Marso 3

AWIT 11-15

Pebrero 26–Marso 3

Awit Blg. 139 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Isiping Nasa Mapayapang Bagong Sanlibutan Ka

(10 min.)

Laganap ang karahasan ngayon dahil hindi sumusunod ang mga tao sa batas (Aw 11:2, 3; w06 5/15 18 ¶3)

Makakapagtiwala tayo na malapit nang alisin ni Jehova ang karahasan (Aw 11:5; wp16.4 11)

Kapag pinag-iisipan natin ang pangako ni Jehova na ililigtas niya tayo, makakapagtiis tayo habang hinihintay ang bagong sanlibutan (Aw 13:5, 6; w17.08 7 ¶15)

SUBUKAN ITO: Basahin ang Ezekiel 34:25. Pagkatapos, isiping nandoon ka sa mapayapang lugar na iyon.​—kr 236 ¶16.

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 14:1—Paano puwedeng makaapekto sa mga Kristiyano ang mga negatibong saloobin sa tekstong ito? (w13 9/15 19 ¶12)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(2 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. Imbitahan ang kausap na dumalo sa Memoryal. (lmd aralin 5: #3)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(1 min.) BAHAY-BAHAY. Imbitahan ang kausap na dumalo sa Memoryal. (lmd aralin 3: #4)

6. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Nagpakita ng interes ang kausap mo nang imbitahan mo siya sa Memoryal. (lmd aralin 7: #4)

7. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) lff aralin 13: Sumaryo, Ano ang Natutuhan Mo?, at Subukan Ito. Gumamit ng isang artikulo mula sa seksiyong “Tingnan Din” para tulungan ang Bible study na maintindihan ang tingin ng Diyos sa huwad na relihiyon. (th aralin 12)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 8

8. “Ang Karunungan ay Nakahihigit sa mga Sandata”

(10 min.) Pagtalakay.

Parami nang parami ang kaso ng karahasan sa buong mundo. Alam ni Jehova na puwede tayong mag-alala dahil sa mga nakikita at nararanasan nating karahasan. Naiintindihan din niya na kailangan natin ng proteksiyon. Ang isang ginagamit niya para protektahan tayo ay ang kaniyang Salita, ang Bibliya.​—Aw 12:5-7.

Mayroon itong “karunungan [na] nakahihigit sa mga sandata.” (Ec 9:18) Pag-isipan kung paano makakatulong ang mga prinsipyong ito sa Bibliya para hindi tayo maging biktima ng karahasan.

  • Ec 4:9, 10—Huwag pumunta sa mga delikadong lugar nang nag-iisa

  • Kaw 22:3—Maging alerto sa mga nangyayari sa paligid mo

  • Kaw 26:17—Huwag makisangkot sa away ng iba

  • Kaw 17:14—Kapag parang magkakagulo sa lugar kung nasaan ka, umalis agad. Lumayo din sa mga taong nagtitipon para magprotesta

  • Luc 12:15—Huwag isapanganib ang buhay mo para lang sa pag-aari

I-play ang VIDEO na Tularan ang May Pananampalataya, Hindi ang mga Wala Nito—Si Enoc, Hindi si Lamec. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

Paano nakatulong ang halimbawa ni Enoc sa desisyon at paggawi ng isang ama noong magkaroon ng karahasan sa lugar nila?​—Heb 11:5

May ilang sitwasyon na baka maisip ng isang Kristiyano na kailangan niyang gumawa ng paraan para ipagtanggol ang sarili niya o ari-arian. Pero titiyakin niyang hindi siya makakapatay ng sinuman.​—Aw 51:14; tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Bantayan, isyu ng Hulyo 2017.

9. Magsisimula ang Kampanya Para sa Memoryal sa Sabado, Marso 2

(5 min.) Pahayag ng elder. Banggitin ang lokal na kaayusan para sa kampanya, espesyal na pahayag, at Memoryal. Ipaalala sa mga kapatid na puwedeng 15 oras lang ang abutin nila kung mag-o-auxiliary pioneer sila sa mga buwan ng Marso at Abril.

10. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 6 ¶9-17

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 40 at Panalangin