Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Enero 6-12

AWIT 127-134

Enero 6-12

Awit Blg. 134 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Mga Magulang—Patuloy na Ingatan ang Inyong Mahalagang Mana

(10 min.)

Makakaasa ang mga magulang na tutulungan sila ni Jehova para mailaan ang pangangailangan ng pamilya nila (Aw 127:​1, 2)

Mahalagang regalo mula kay Jehova ang mga anak (Aw 127:3; w21.08 5 ¶9)

Sanayin ang mga anak depende sa pangangailangan ng bawat isa (Aw 127:4; w19.12 26 ¶20)

Natutuwa si Jehova kapag umaasa sa kaniya ang mga magulang at ginagawa ang makakaya nila para maingatan ang mga anak nila

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 128:3—Bakit ikinumpara ng salmista ang mga anak sa supang, o sibol, ng punong olibo? (it-1 543)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. (lmd aralin 1: #3)

5. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(4 min.) DI-PORMAL NA PAGPAPATOTOO. May sinabi ang kausap mo na hindi kaayon ng turo ng Bibliya. (lmd aralin 5: #4)

6. Paggawa ng mga Alagad

(5 min.) lff aralin 16: #4-5. Sabihin sa estudyante mo ang ginawa mo para maituloy ang Bible study niya habang wala ka. (lmd aralin 10: #4)

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 13

7. Mga Magulang—Ginagamit Ba Ninyo ang Mabisang Paraang Ito sa Pagtuturo?

(15 min.) Pagtalakay.

Napakarami nang pantulong na ginawa ang organisasyon ni Jehova para maturuan ng mga magulang ang mga anak nila tungkol kay Jehova. Pero ang isa sa pinakamabisang paraan pa rin ng pagtuturo ay ang magandang halimbawa nila.​—Deu 6:​5-9.

Ginamit ni Jesus ang paraang ito para turuan ang mga alagad niya.

Basahin ang Juan 13:​13-15. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Nagpakita ng magandang halimbawa si Jesus sa mga alagad niya. Bakit ito mabisang paraan ng pagtuturo?

Mga magulang, mas maiintindihan ng mga anak ninyo ang itinuturo ninyo sa kanila kung ginagawa din ninyo iyon. Kung nagpapakita kayo ng magandang halimbawa sa kanila, mas papakinggan at susundin nila kayo.

I-play ang VIDEO na Maging Mabuting Halimbawa sa mga Anak. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Anong mahahalagang aral ang itinuro nina Brother at Sister Garcia sa mga anak nila?

  • Paano nakatulong sa iyo ang video na ito para patuloy kang maging magandang halimbawa sa mga anak mo?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

(30 min.) bt kab. 20 ¶13-20

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 73 at Panalangin