MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO | MAGING MAS MASAYA SA MINISTERYO
Abutin ang Puso
Ang pagsunod sa Diyos ay nagmumula sa puso. (Kaw 3:1) Kaya kapag nagtuturo, dapat nating abutin ang puso ng mga tao. Paano?
Huwag basta ituro sa Bible study mo ang mga katotohanan. Tulungan siyang maunawaan kung paano makakaapekto ang mga ito sa buhay niya at sa kaugnayan niya kay Jehova. Tulungan siyang maintindihan kung paano ipinapakita ng mga pamantayan sa Bibliya ang pag-ibig, kabutihan, at katuwiran ng Diyos. Mataktika siyang tanungin para masuri niya ang nadarama niya sa mga natututuhan niya. Tulungan siyang makita ang mga pakinabang kung babaguhin niya ang isang maling pananaw o gawain. Kapag nakita mo kung gaano kamahal ng Bible study mo si Jehova, magiging mas masaya ka.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA PAGGAWA NG ALAGAD—PASULUNGIN ANG IYONG KAKAYAHAN—ABUTIN ANG PUSO. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
-
Bakit itinanong ni Neeta kay Joy: “Napag-isipan mo ba y’ong pinag-usapan natin no’ng Lunes?”
-
Paano tinulungan ni Neeta si Joy na makita mula sa mga pamantayan sa Bibliya na mahal siya ni Jehova?
-
Paano tinulungan ni Neeta si Joy na maisip kung paano niya maipapakitang mahal niya ang Diyos?