Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pakitunguhan ang Matatandang Babae na Parang Nanay Mo, at ang mga Nakababatang Babae na Parang Kapatid Mo

Pakitunguhan ang Matatandang Babae na Parang Nanay Mo, at ang mga Nakababatang Babae na Parang Kapatid Mo

Sinasabi ng Kasulatan na pakitunguhan ang matatandang Kristiyano na parang magulang natin at ang mga nakababata na parang kapatid natin. (Basahin ang 1 Timoteo 5:1, 2.) Ang mga brother, lalo na, ay dapat makitungo nang may dignidad at respeto sa mga sister.

Hindi dapat makipag-flirt ang isang brother o gumawa ng anumang bagay na makakaasiwa sa isang sister. (Job 31:1) Hindi dapat paglaruan ng isang binatang brother ang damdamin ng isang dalagang sister.

Dapat na maging makonsiderasyon ang mga elder sa mga sister na magalang na nagtatanong o may itinatawag-pansin pa nga na isang bagay na posibleng nangangailangan ng atensiyon. Lalo nang dapat maging makonsiderasyon ang mga elder sa mga sister na walang asawang poprotekta sa kanila.​—Ru 2:8, 9.

PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKITA NG DI-NABIBIGONG PAG-IBIG SA KONGREGASYON—SA MGA BIYUDA AT MGA WALANG AMA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Paano ipinakita ng kongregasyon na mahal na mahal nila si Sister Myint?

  • Paano naging magandang patotoo sa komunidad ang pag-ibig na ipinakita ng kongregasyon?

  • Ano ang naging epekto sa mga anak ni Sister Myint ng pag-ibig na ipinakita ng kongregasyon?

Paano mo maipapakita ang malasakit sa mga sister sa inyong kongregasyon?