PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO | UMABOT NG MGA TUNGUHIN SA SUSUNOD NA TAON NG PAGLILINGKOD
Pagtulong sa Pagtatayo ng Teokratikong Pasilidad
Ang pagtatayo ng teokratikong pasilidad ay isang sagradong paglilingkod. (Exo 36:1) Puwede kang makatulong paminsan-minsan sa mga proyektong malapit sa inyo kung magpapasa ka ng Local Design/Construction Volunteer Application (DC-50). Kung available ka namang tumulong sa mas malalayong proyekto nang ilang linggo o buwan, puwede kang magpasa ng Application for Volunteer Program (A-19). Hindi kailangang may experience ka sa construction para makapagboluntaryo.—Ne 2:1, 4, 5.
PANOORIN ANG VIDEO NA KAILANGAN NG PANANAMPALATAYA SA . . . PAGTULONG SA PAGTATAYO NG TEOKRATIKONG PASILIDAD. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
-
Bakit nag-aalala si Sarah, at ano ang nakatulong sa kaniya?