KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS
Ang Matututuhan Natin sa Dalawang Haligi
Dalawang malalaking haligi na kitang-kita ng lahat ang itinayo sa beranda ng templo (1Ha 7:15, 16; w13 12/1 13 ¶3)
Ang mga haliging ito ay binigyan ng makahulugang pangalan (1Ha 7:21; it-1 437)
Tutulungan ni Jehova ang bayan na ‘maitatag nang matibay’ ang templo hangga’t umaasa sila sa kaniya (1Ha 7:21, tlb.; Aw 127:1)
Baka tinulungan na tayo ni Jehova na makayanan ang mga hamon para maging lingkod niya. Pero dapat pa rin tayong patuloy na umasa sa kaniya para ‘makapanghawakan tayong mahigpit sa pananampalataya.’—1Co 16:13.
TANUNGIN ANG SARILI, ‘Paano ko ipinapakitang umaasa ako kay Jehova?’