Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Espesyal na Kampanya sa Setyembre Para Mag-alok ng Pag-aaral sa Bibliya

Espesyal na Kampanya sa Setyembre Para Mag-alok ng Pag-aaral sa Bibliya

Sa Setyembre, sisikapin nating mag-alok ng pag-aaral sa Bibliya sa mga nakakausap natin sa bawat bahay, gamit ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. Puwedeng piliin ng mga mag-o-auxiliary pioneer na 30 oras lang ang abutin. Paano natin isasagawa ang espesyal na kampanyang ito?

  • Sa Unang Pag-uusap: Gamitin ang huling pahina ng brosyur para magkaroon ng interes ang kausap, at ipakita kung paano ginagawa ang pag-aaral. Balikan ang mga dating nagpakita ng interes, pati na ang mga return visit mo. Kahit na tumanggi silang magpa-study noon, posibleng maging interesado sila sa bagong paraan ng pagba-Bible study natin at sa brosyur. Huwag mag-iwan ng brosyur sa mga bahay na walang tao. Huwag din itong isama sa mga sulat para sa mga hindi pa nagpakita ng interes. Puwedeng magsaayos ang Komite sa Paglilingkod ng Kongregasyon ng karagdagang mga pagtitipon para sa paglilingkod sa buwan ng Setyembre.

  • Iba Pang Pagkakataon: Kung gumagamit ng mga literature cart ang kongregasyon ninyo, i-display ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. Ipaliwanag sa mga interesado na may kasama itong libreng pag-aaral sa Bibliya. Ipakita sandali kung paano ginagawa ang pag-aaral, o isaayos na gawin ito sa ibang pagkakataon. Puwedeng isaayos ng tagapangasiwa sa paglilingkod na mapuntahan ng mga kuwalipikadong mamamahayag ang mga negosyo sa inyong teritoryo para makapag-alok ng Bible study. Puwede mo ring alukan ng Bible study ang mga katrabaho mo o ang mga nakakausap mo sa di-pormal na pagpapatotoo.

Inutusan tayo ni Jesus na ‘gumawa ng mga alagad at turuan sila.’ (Mat 28:19, 20) Magawa sana natin iyan sa ating espesyal na kampanya sa tulong ng Masayang Buhay Magpakailanman.