Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Sinisikap Mo Bang Makita ang Sagot sa mga Panalangin Mo?

Sinisikap Mo Bang Makita ang Sagot sa mga Panalangin Mo?

Sa Bibliya, napakaraming halimbawa ng mga panalanging sinagot ni Jehova. Siguradong napapatibay ang pananampalataya ng mga lingkod ng Diyos kapag nakikita nilang nakikinig si Jehova sa mga ikinababahala nila at tinutulungan niya sila. Kaya dapat tayong maging espesipiko sa mga panalangin natin at sikaping makita ang sagot ni Jehova. Tandaan na posibleng iba ang sagot niya sa hinihiling natin o baka higit pa nga sa inaasahan natin. (2Co 12:7-9; Efe 3:20) Ano ang ibinibigay ni Jehova bilang sagot sa mga kahilingan natin?

  • Pisikal, emosyonal, o espirituwal na lakas para makayanan ang problema.​—Fil 4:13

  • Karunungan para makagawa ng magandang desisyon.​—San 1:5

  • Pagnanais at lakas para kumilos.​—Fil 2:13

  • Kapanatagan kapag nag-aalala tayo.​—Fil 4:6, 7

  • Pisikal o emosyonal na suporta mula sa iba.​—1Ju 3:17, 18

  • Tulong para sa mga ipinapanalangin natin.​—Gaw 12:5, 11

PANOORIN ANG VIDEO NA SI JEHOVA ANG “DUMIRINIG NG PANALANGIN.” PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:

  • Kung mahina na ang kalusugan natin, ano ang matututuhan natin kay Brother Shimizu?

  • Paano natin matutularan si Brother Shimizu?