Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Kung Paano Gagamitin ang mga Sampol na Pakikipag-usap

Kung Paano Gagamitin ang mga Sampol na Pakikipag-usap

Talagang pinag-isipang mabuti ang mga sampol na pakikipag-usap, at epektibo ito sa teritoryo ng maraming mamamahayag. Pero dahil iba-iba ang kalagayan sa buong mundo, puwedeng pumili ang mga mamamahayag ng ibang paraan o paksa na bagay sa teritoryo nila kapag nangangaral sila. Siyempre, dapat nating sundin ang anumang tagubilin para sa isang espesyal na kampanya. Ang tunguhin natin ay ang masunod ang utos ni Jesus na ipangaral ang mabuting balita tungkol sa Kaharian.​—Mat 24:14.

Para sa mga mamamahayag na may bahagi sa pulong, dapat nilang gamitin ang paksa ng sampol na pakikipag-usap na nasa Workbook sa Buhay at Ministeryo. Pero kung walang tagubilin, puwede silang pumili ng ibang tanong, teksto, iiwang tanong, o tagpo na bagay sa teritoryo nila. Ito ay pagbabago sa tagubilin na nasa pahina 8 ng Hunyo 2020 isyu ng workbook para sa pulong.