PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO | UMABOT NG MGA TUNGUHIN SA SUSUNOD NA TAON NG PAGLILINGKOD
Pagpapayunir
Kung may mga espirituwal na tunguhin tayo, hindi masasayang ang panahon at lakas natin. (1Co 9:26) Makakatulong ang mga ito para magamit natin sa pinakamabuting paraan ang natitirang panahon natin bago magwakas ang sistemang ito. (Efe 5:15, 16) Kaya sa pampamilyang pagsamba, puwede ninyong pag-usapan ang mga tunguhin na gusto ninyong abutin sa susunod na taon ng paglilingkod. Sa isyung ito ng workbook para sa pulong, may mga artikulo tungkol sa mga tunguhin na puwede ninyong pag-isipan at ipanalangin.—San 1:5.
Halimbawa, puwede bang magtulungan ang pamilya ninyo para makapag-regular pioneer ang kahit isa man lang sa inyo? Kung nag-aalala ka na baka hindi mo maabot ang kahilingang oras, makipag-usap sa mga payunir na kapareho mo ng kalagayan. (Kaw 15:22) Baka puwede ninyong interbyuhin ang isang payunir sa inyong pampamilyang pagsamba. Pagkatapos, isulat ang mga iskedyul na puwedeng pagpilian. Kung huminto ka sa pagpapayunir, baka nasa kalagayan ka nang bumalik.
Mayroon ba sa pamilya ninyo na puwedeng mag-auxiliary pioneer nang isang buwan o higit pa? Kung mahina ang katawan mo, puwede ka pa ring mag-auxiliary pioneer kung makakapangaral ka kahit ilang oras lang kada araw. Kung hindi ka makapangaral nang simpleng araw dahil nagtatrabaho ka o nag-aaral, baka puwede kang pumili ng buwan na may holiday o limang weekend. Ilagay sa kalendaryo kung kailan ninyo planong mag-auxiliary pioneer at isulat ang inyong iskedyul.—Kaw 21:5.
PANOORIN ANG VIDEO NA MAGPAKALAKAS-LOOB BILANG . . . PAYUNIR. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
-
Sa karanasan ni Sister Aamand, ano ang natutuhan natin tungkol sa pangangalaga ni Jehova sa mga nagsasakripisyo para makapagpayunir?