PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Makakatulong Ka Para Maging Masaya ang Pamilya Ninyo
Gusto ni Jehova na maging masaya ang mga pamilya. (Aw 127:3-5; Ec 9:9; 11:9) Pero minsan, hamon iyan dahil sa mga problema natin at sa pagkakamali ng mga miyembro ng pamilya. Ano ang puwedeng gawin ng bawat isa para maging masaya ang pamilya?
Binibigyan ng asawang lalaki ang asawa niya ng karangalan. (1Pe 3:7) Nagbibigay siya ng panahon para sa misis niya. Makonsiderasyon siya sa inaasahan niya sa kaniya at ipinapakita niyang naa-appreciate niya ang ginagawa nito para sa kaniya at sa pamilya nila. (Col 3:15) Ipinapakita niyang mahal niya ang asawa niya at pinupuri ito.—Kaw 31:28, 31.
Sinusuportahan ng asawang babae ang asawa niya. (Kaw 31:12) Nagpapasakop siya at nakikipagtulungan sa mister niya. (Col 3:18) Mabait siyang makipag-usap dito at mabubuting bagay ang ikinukuwento niya tungkol sa asawa niya.—Kaw 31:26.
May panahon ang mga magulang para sa mga anak nila. (Deu 6:6, 7) Sinasabi nila sa kanila na mahal nila sila. (Mat 3:17) Kapag nagbibigay sila ng disiplina, ginagawa nila ito nang may pag-ibig at unawa.—Efe 6:4.
Pinaparangalan at sinusunod ng mga anak ang mga magulang nila. (Kaw 23:22) Sinasabi nila sa kanila ang iniisip at nararamdaman nila. Tinatanggap nila ang disiplina ng mga magulang nila at nagpapakita sila ng paggalang.—Kaw 19:20.
PANOORIN ANG VIDEO NA MASIYAHAN SA INYONG PAMILYA. PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG TANONG NA ITO:
• Ano ang ginawa ng bawat isa para maging masaya ang pamilya nila?