PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ano ang mga Tunguhin Mo Para sa Bagong Taon ng Paglilingkod?
Maituturing na espirituwal na tunguhin ang anumang bagay na pinagsisikapan nating gawin para lalong mapaglingkuran si Jehova at mapasaya siya. Tinutulungan tayo ng mga ito na sumulong kaya sulit ang isasakripisyo nating panahon at lakas. (1Ti 4:15) Bakit dapat nating regular na suriin ang mga tunguhin natin? Nagbabago kasi ang kalagayan. Baka hindi na praktikal ang isang tunguhin, o baka naabot na natin iyon at puwede na tayong magtakda ng bagong tunguhin.
Magandang suriin ang mga tunguhin natin bago magsimula ang susunod na taon ng paglilingkod. Puwede ba ninyong pag-usapan iyan sa family worship ninyo para makapagtakda kayo ng mga tunguhin bilang indibidwal at bilang pamilya?
Anong mga tunguhin ang gusto mong itakda pagdating sa sumusunod na mga aspekto, at paano mo planong abutin ang mga iyon?
Pagbabasa ng Bibliya, personal na pag-aaral, pagdalo sa pulong, pagkokomento.—w02 6/15 14-15 ¶14-15
Ministeryo.—w23.05 27 ¶4-5
Kristiyanong mga katangian.—w22.04 23 ¶5-6
Iba pa: