Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Espesyal na Kampanya sa Setyembre Para Ipaalám ang Tungkol sa Kaharian ng Diyos!

Espesyal na Kampanya sa Setyembre Para Ipaalám ang Tungkol sa Kaharian ng Diyos!

Sa Setyembre, magkakaroon tayo ng espesyal na kampanya para ipaalám sa mga tao na ang Kaharian lang ng Diyos ang solusyon sa lahat ng problema. (Mat 24:14) Ano ang puwede mong gawin? Magbahagi ng isang teksto tungkol sa Kaharian ng Diyos sa buwang iyon sa pinakamaraming tao hangga’t posible. Kung magpakita ng interes ang isang tao, bigyan siya ng pampublikong edisyon ng Bantayan Blg. 2 2020. Pagkatapos, balikan siya agad, at subukang magpasimula ng pag-aaral sa Bibliya gamit ang brosyur na Masayang Buhay Magpakailanman. Sa buwang iyon, puwedeng pumili ang mga auxiliary pioneer kung 15 o 30 oras ang aabutin nila.

Malapit nang durugin ng Kaharian ang lahat ng awtoridad na kumakalaban sa Diyos. (Dan 2:44; 1Co 15:24, 25) Samantalahin sana natin ang espesyal na pagkakataong ito para ipakitang sinusuportahan natin si Jehova at ang kaniyang Kaharian!