Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hulyo 22-28

AWIT 66-68

Hulyo 22-28

Awit Blg. 7 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS

1. Si Jehova ang Nagdadala ng Pasan Natin Araw-araw

(10 min.)

Pinapakinggan at sinasagot ni Jehova ang mga panalangin natin (Aw 66:19; w23.05 12 ¶15)

Binibigyang-pansin ni Jehova ang mga nangangailangan (Aw 68:5; w10 12/1 23 ¶6; w09 4/1 31 ¶1)

Araw-araw tayong tinutulungan ni Jehova (Aw 68:19; w23.01 19 ¶17)

PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Paano natin ipinapapasan kay Jehova ang mga problema natin?

2. Espirituwal na Hiyas

(10 min.)

  • Aw 68:18—Noong panahon ng mga Israelita, sino ang tinutukoy na “mga tao bilang regalo”? (w06 6/1 10 ¶4)

  • Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?

3. Pagbabasa ng Bibliya

MAGING MAHUSAY SA MINISTERYO

4. Pagpapasimula ng Pakikipag-usap

(3 min.) BAHAY-BAHAY. Iba ang kultura ng may-bahay. (lmd aralin 5: #3)

5. Pagdalaw-Muli

(4 min.) BAHAY-BAHAY. Ituloy ang pagtalakay sa tract na iniwan mo noong nakaraang pag-uusap ninyo. (lmd aralin 9: #3)

6. Paggawa ng mga Alagad

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Awit Blg. 102

7. Mapapagaan Mo Ba ang Pasan ng Iba?

(15 min.) Pagtalakay.

Ang mga lingkod ng Diyos ay hindi nag-iisa sa pagharap sa mga problema. (2Cr 20:15; Aw 127:1) Nandiyan si Jehova para tulungan tayo. (Isa 41:10) Paano niya iyan ginagawa? Pinapatnubayan niya tayo sa tulong ng kaniyang Salita at organisasyon. (Isa 48:17) Ibinibigay niya sa atin ang makapangyarihang banal na espiritu niya. (Luc 11:13) Pinapakilos din niya ang mga kapatid para patibayin tayo at tulungan. (2Co 7:6) Ibig sabihin, puwedeng gamitin ni Jehova ang sinuman sa atin para pagaanin ang pasan ng ibang kapatid.

I-play ang VIDEO na Magpakita ng Di-nabibigong Pag-ibig sa Kongregasyon—Sa mga May-edad. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang puwede mong gawin para mapagaan ang pasan ng isang may-edad nang kapatid?

I-play ang VIDEO na Magpakita ng Di-nabibigong Pag-ibig sa Kongregasyon—Sa mga Nasa Buong-Panahong Paglilingkod. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang puwede mong gawin para mapagaan ang pasan ng isa na nasa buong-panahong paglilingkod?

I-play ang VIDEO na Magpakita ng Di-nabibigong Pag-ibig sa Kongregasyon—Sa mga Dayuhan. Pagkatapos, itanong sa mga tagapakinig:

  • Ano ang puwede mong gawin para mapagaan ang pasan ng isang may pinagdadaanan?

8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya

Pangwakas na Komento (3 min.) | Awit Blg. 88 at Panalangin