Hulyo 29–Agosto 4
AWIT 69
Awit Blg. 13 at Panalangin | Pambungad na Komento (1 min.)
1. Inihula sa Awit 69 ang mga Pangyayari sa Buhay ni Jesus
(10 min.)
Kinapootan si Jesus nang walang dahilan (Aw 69:4; Ju 15:24, 25; w11 8/15 11 ¶17)
Masigasig si Jesus para sa bahay ni Jehova (Aw 69:9; Ju 2:13-17; w10 12/15 8 ¶7-8)
Sobrang naghihirap na ang kalooban ni Jesus at inalok pa siya ng alak na hinaluan ng mapait na likido (Aw 69:20, 21; Mat 27:34; Luc 22:44; Ju 19:34; g95 10/22 31 ¶4; it-2 444)
PARA SA PAGBUBULAY-BULAY: Bakit isinama ni Jehova sa Hebreong Kasulatan ang mga hula tungkol sa Mesiyas?
2. Espirituwal na Hiyas
(10 min.)
-
Aw 69:30, 31—Paano makakatulong ang tekstong ito para mapasulong ang kalidad ng panalangin natin? (w99 1/15 18 ¶11)
-
Sa pagbabasa ng Bibliya para sa linggong ito, anong espirituwal na hiyas ang nagustuhan mo?
3. Pagbabasa ng Bibliya
(4 min.) Aw 69:1-25 (th aralin 2)
4. Matiisin—Ang Ginawa ni Jesus
(7 min.) Pagtalakay. I-play ang VIDEO, at talakayin ang lmd aralin 8: #1-2.
5. Matiisin—Tularan si Jesus
(8 min.) Pagtalakay gamit ang lmd aralin 8: #3-5 at “Tingnan Din.”
Awit Blg. 134
6. Lokal na Pangangailangan
(5 min.)
7. Mga Prinsipyo Para sa Gabi ng Pampamilyang Pagsamba
(10 min.) Pagtalakay.
Noong Enero 2009, isinama na ang Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at Pulong sa Paglilingkod. Kaya naging isa na lang ang midweek meeting natin. Dahil diyan, nagkaroon ng isang libreng gabi ang mga pamilya kada linggo para sa sarili nilang pampamilyang pagsamba. Marami ang natuwa sa kaayusang ito dahil mas naging malapít sila kay Jehova at sa isa’t isa.—Deu 6:6, 7.
Anong mga prinsipyo ang makakatulong sa mga ulo ng pamilya para maging makabuluhan ang gabi ng kanilang Pampamilyang Pagsamba?
-
Gawin itong regular. Kung posible, magtakda ng espesipikong araw at oras kada linggo para sa pampamilyang pagsamba. Kung sakaling hindi ninyo ito magagawa sa araw na iyon, ilipat ito sa ibang araw
-
Maghanda. Tanungin ang asawa mo, at ang mga anak mo paminsan-minsan, kung may mungkahi sila. Hindi naman kailangang sobra-sobra ang paghahanda, lalo na kung nae-enjoy ng pamilya mo ang iba’t ibang ginagawa ninyo linggo-linggo
-
Ibagay ito sa pangangailangan ng pamilya mo. Habang lumalaki ang mga anak mo, nagbabago ang pangangailangan nila at kakayahan. Dapat na makatulong ang mga gagawin ninyo sa pampamilyang pagsamba para sumulong sa espirituwal ang bawat miyembro ng pamilya
-
Sikaping maging relax ito at masaya. Kapag maganda ang panahon, puwedeng gawin ang pampamilyang pagsamba sa ibang lugar paminsan-minsan. Puwedeng may break time kung kailangan. Kahit pinag-uusapan ninyo ang mga espesipikong problema ng pamilya, huwag gamitin ang pampamilyang pagsamba para pagalitan o disiplinahin ang mga anak
-
Iba’t iba ang gawin. Halimbawa, puwede ninyong paghandaan ang isang bahagi ng pulong, panoorin at pag-usapan ang isang video sa jw.org, at magpraktis para sa ministeryo. Kahit pag-uusap ng pamilya ang pinakaimportante sa Pampamilyang Pagsamba, puwede ring gamitin ang bahagi ng panahong ito para makapag-personal study ang bawat isa
Talakayin ang tanong na ito:
-
Paano ninyo sinisikap na sundin ang mga prinsipyong ito sa inyong pampamilyang pagsamba?
8. Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya
(30 min.) bt kab. 13 ¶8-16, kahon sa p. 105