PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ang Kaharian—100 Taon at Patuloy
Dapat matutuhan, hangga’t maaari, ng mga gustong maging mamamayan ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng tungkol sa Kaharian at sa mga nagawa na nito. Bakit? Dahil hindi lang nito mapatitibay ang kanilang pagtitiwalang namamahala na ang Kaharian ng Diyos kundi mapasisigla rin sila na sabihin sa iba ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Aw 45:1; 49:3) Habang pinanonood ninyo ang video na Ang Kaharian—100 Taon at Patuloy, alamin ang sagot sa sumusunod na mga tanong:
-
Bakit ang “Photo-Drama of Creation” ay isang pagpapala sa mga nakapanood nito?
-
Paano ginamit ang radyo para mapaabutan ng mabuting balita ang mga tao?
-
Ano pang mga paraan ang ginamit para maipangaral ang mabuting balita, at ano ang naging resulta?
-
Paano sumulong ang paraan ng pagsasanay sa ministeryo sa paglipas ng mga taon?
-
Anong praktikal na pagsasanay ang inilaan sa mga estudyante ng Paaralang Gilead?
-
Paano ginamit ang mga kombensiyon para turuan ang bayan ni Jehova?
-
Ano ang nakakumbinsi sa iyo na namamahala na ang Kaharian ng Diyos?
-
Paano natin maipakikitang sinusuportahan natin ang Kaharian ng Diyos?