Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

KAYAMANAN MULA SA SALITA NG DIYOS | AWIT 45-51

Hindi Itatakwil ni Jehova ang Isang Pusong Wasak

Hindi Itatakwil ni Jehova ang Isang Pusong Wasak

Ang Awit 51 ay isinulat ni David matapos itawag-pansin ni propeta Natan ang malubhang kasalanan ni David may kaugnayan kay Bat-sheba. Inusig si David ng kaniyang budhi, at mapagpakumbabang nagtapat.—2Sa 12:1-14.

Nagkasala si David pero posible pa ring manumbalik ang espirituwalidad niya

51:3, 4, 8-12, 17

  • Bago siya magsisi at magtapat, naging miserable siya dahil sa panunumbat ng budhi

  • Dumanas siya ng matinding paghihirap ng kalooban nang maiwala niya ang pagsang-ayon ng Diyos kung kaya parang nadurog ang kaniyang mga buto

  • Inasam-asam niya ang kapatawaran, panunumbalik ng espirituwalidad, at kagalakang taglay niya noon

  • Nakiusap siya kay Jehova na tulungan siyang maging handang sumunod

  • Umasa siyang patatawarin siya ni Jehova