Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gamitin sa Pagtuturo ang mga Video

Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Gamitin sa Pagtuturo ang mga Video

KUNG BAKIT ITO MAHALAGA:

Nakaaantig sa mga tao ang mga video dahil sangkot dito ang ating paningin at pandinig. Nakatutulong ito para makuha ang atensiyon ng kausap at matandaan ang impormasyon. Si Jehova ang pinakamahusay na halimbawa sa paggamit ng mga visual aid sa pagtuturo.—Gaw 10:9-16; Apo 1:1.

Ang mga video na May Pangalan Ba ang Diyos?, Sino ang Awtor ng Bibliya?, at Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya? ay mga pantulong sa aralin 2 at 3 ng brosyur na Magandang Balita. Ang mga video naman na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?, Paano Ginagawa ang Pag-aaral sa Bibliya?, at Ano’ng Mayroon sa Kingdom Hall? ay nagpapasigla sa mga tao na mag-aral ng Bibliya o dumalo sa mga pulong ng kongregasyon. May iba pa tayong mga video na maaari ding gamitin sa pagtuturo ng Bibliya.—km 5/13 3.

KUNG PAANO ITO GAGAWIN:

  • Mag-download ng video na gusto mong ipapanood sa may-bahay

  • Maghanda ng isa o dalawang tanong na masasagot ng video

  • Magkasamang panoorin ang video

  • Pag-usapan ang mahahalagang punto

SUBUKAN ITO:

  • Ipakita ang code na nasa likod ng isa sa mga tract natin, na may link sa video na Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?

  • Ipapanood ang video na Paano Tayo Nakakasiguro na Totoo ang Sinasabi ng Bibliya? at ialok ang brosyur na Magandang Balita, na itinatampok ang aralin 3