Magtiwala kay Jehova at Gumawa ng Mabuti
“Huwag kang mainggit sa mga gumagawa ng kalikuan”
-
Huwag hayaang maapektuhan ng pansamantalang tagumpay ng masasama ang paglilingkod mo kay Jehova. Magpokus sa espirituwal na mga pagpapala at mga tunguhin
“Magtiwala ka kay Jehova at gumawa ka ng mabuti”
-
Magtiwalang tutulungan ka ni Jehova na maharap ang anumang pag-aalinlangan o kabalisahan. Tutulungan ka niya na makapanatiling tapat
-
Maging abala sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos
“Magkaroon ka rin ng masidhing kaluguran kay Jehova”
-
Magkaroon ng iskedyul sa pagbabasa ng Salita ng Diyos at bulay-bulayin ito sa layunin na higit pang makilala si Jehova
“Igulong mo kay Jehova ang iyong lakad”
-
Lubos na magtiwala na tutulungan ka ni Jehova na harapin ang anumang problema
-
Patuloy na magpakita ng mabuting paggawi kahit na sinasalansang ka, inuusig, o sinisiraan
“Manatili kang tahimik sa harap ni Jehova at hintayin mo siya nang may pananabik”
-
Huwag magpadalos-dalos dahil maaaring mawala ang iyong kagalakan at espirituwal na katiwasayan
“Ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa”
-
Hanapin ang kaamuan, at mapagpakumbabang hintayin na alisin ni Jehova ang lahat ng kawalang-katarungan na nararanasan mo
-
Tulungan ang mga kapananampalataya, at aliwin ang mga nanlulumo sa pamamagitan ng ipinangakong bagong sanlibutan ng Diyos, na malapit nang dumating